Komiks (as a keyword) in poems and short stories
14 Feb
Going over emanila’s archives of some two years ago and earlier, we’re happy to stumble upon poems and short stories which “immortalized” komiks.
Here are some of them:
From emanilaliterary
Excerpt:
“Akala ko, sa pelikula ko lang makikita ang mga tagpong ito at sa komiks ko lang mababasa. Pero isang hamon ang umukit sa aking diwa na tuklasin ang hiwagang iyon.” Lampara ni Rey Tamayo Jr.
From emanilapoetry
Anak ni Zuma
Kenji
Aling Conching, na hawig ni Nida
Katiwala ni Papa, katiwala ni Mama
Sa bakery namin sa Talipapa
Komiks nya ay pwede ibenta
Dagdag “moolah” sa sweldo nya
Pag nandyan si Papa, komiks ay binibida…
“Pots, eto o, basahin mo! Bago to!” ang sweet sweet nya…
Pag wala si Papa, komiks nya ay encyclopedia
“Pots! Bwiset na!!! , wag mo lukutin komiks ko!!!”
“Aling Conching,” let me explain, “tatapusin ko lang, ‘anak ni Zuma!’”
Sa pamalengke na bigay ni Papa, bayong mo ay apaw huh!?!
Por kilong Ham, Por kilong Beef, Por kilo of every kind of Pork!
Isang araw, sabi ni Papa… “kami uwi Tsina, Conching bahala na!”
“Paktay na!” sabi ni Anya, “Paktay na!” sabi ni Achie
“Paktay na!” sabi ni Bantay, “Paktay na!” sabi ni Muning
Porke’t wala si Papa, Porke’t wala si Mama
Pork Chop ay deds na?
Galunggong for Lunes, Martes, Myerkoles
Galunggong for Huwebes at Byernes
“for a change,” Talong sa weekends, ismid nya
Isang araw after isang buwan, mga intsik ay bumalik na
“Papa! Mama! May isusumbong ako!”
“Ano yon bunso?” sabi nila…
Nilabas ni Conching, new komiks nya; Aliwan, Liwayway at Wakasan
“ahhhh ahhhh… si Boyet na anak ni aling Fita, away ako!”
“Wag ka away! Bad yan!” yakap ako ni Mama
Anya, Achie, Bantay at Muning hindi maipinta
“Langyang Pots! Komiks lang, tiklop na!”
Punta ako sa komiks section, Aliwan komiks inuna
Inalis isang tsinelas at inupuan… “ahhhh.. si Galema ang anak ni Zuma”
Posted: June 22, 2006
HOPE
Emmanuel Hizon
Katulad ng iyong pangalan umasa ka sa pag-asa na
Maaari kang yakapin ng lantay na pag-ibig
Na baka sakaling mauwi ang mga palihim na tagpuan at suyuan
Sa isang matamis na pagtatapos
katulad ng lagi nating nababasa
Sa mga wakasang nobela at komiks
Katulad ng iyong pangalan, kumapit ka sa pag-aakalang mapagbigay
Ang dampi ng pag-asa, ang bulsa ng kapalaran sa mga katulad mong
Naghahanap, lumalaban para sa sariling espasyo at kahalagahan sa tila
Walang katuturang ikot ng mundo
Katulad ng iyong pangalan,
pilit kang nagpumilit na baka sana, siguro, maaari
at nagtatanong bakit naman kaya hindi?
Pero hindi mabait ang kapalaran sa madaming pagkakataon
At ang matapang mong pag-ibig ay hinusgahan at kinutya
Ang iyong pagtitimpi at sakripisyo ay hinamak at paulit-ulit na
Pinaglaruan sa artipisyal na pagsusuri ng midya at bulaang tsismisan
Ang iyong matiponong iniirog ay iniwan kang nag-iisa,
Itinakwil, pinagtulakan, inaalay sa mga buwitre at pinasinungalingan.
Ngayon, ikaw ay nag-iisa,
sadyang pinagtutulungan ng lahat
Pinagpipiyestahan ng lahat
Binansagan, minaliit at pinagtatawanan
Mismong tawing mong pag-asa ay tila nilayasan ka at pinagtaguan
Ikaw o Pag-asa, na ang tanging kasalanan ay umibig ng matapang.
Ngunit sino nga ba ang tunay na pokpok at kaladkarin?
Ikaw ba na ang tanging nais lamang ay lumigaya at mahalin?
Ikaw ba na nangahas na basagin ang mitos ng moralidad ng bugaw na lipunang ito
At sadyang ipagdiwang kung ano talaga ang pag-ibig
Labas sa mga nakagisnang depenisyon,
Parametro,
Limitasyon
At tradisyon?
O baka naman sila ang tunay na may bahid ng putik?
Ang mga duwag at uhugin na hindi kayang umalpas at
bumasag ng mga masisikip na konsepto ng pagmamahalan,
Ang mga nagba-banal-banalan at pagod na mga purista,
Ang milyon-milyong kaladkarin na mas may panahon pa
sa mga buhay ng artista at basketbolista kaysa sa kanilang tunay na panlipunang suliranin.
O Pag-asa, marami silang sinasabi,
Kay dami nilang mga gawi
May lason sa kanilang mga labi
Ngunit ‘di hamak, sa katotohanan
mas marami kang binabali…
Posted: February 28, 2007
Si Barok
Fermin S. Salvador
Si Barok, karakter komiks, kathang-isip;
Deskripsyon: mabait, taga-bundok, unang
Panahon, komiko, sisteng Pilipino;
Milyong mambabasa, lubusang natawa.
Si Barok, maraming bersyon: pelikula,
Tv sitcom, hair-style; maraming istambay,
Ang palayaw: “Barok”; pati pagsalita,
May “salitang Barok”; si Barok, sumikat.
Si Barok, hilatsa, kulay, kakuwanang
Buhay-Pinoy, parte; ‘daming ambag; simple
Siyang pambihira; sa masa, simbulo
Rin; pero mas simple, mga Bert Sarile.
Posted: August 1, 2006




No comments yet