PINOY KOMIKS.net » Special Reports

Pinoy Komiks Communique
Pinoy Komiks Communique

Sinulat ni

Fermin Salvador

Marami sa mga Pinoy na matagal nang nasa ibang bayan, gaya ng US, ang marahil ay pamilyar sa kultura ng pagbabasa ng komiks sa pinanggalingang bayang Pilipinas.

World class ang kakayahan ng mga Filipino sa paglikha ng komiks. Ang ganda, lalim, at kasiningan ng mga kuwento at dibuhong natunghayan sa mga pahina ng magasing komiks sa mahabang panahon ay maipapantay sa pinakamahuhusay na nagawa ng ibang bansa kabilang na ang US, Hapon, at iba pa. Katunayan, maraming dibuhistang Pinoy ang nirekrut ng mga kumpanya ng komiks dito sa US at sa kasalukuyan ay naninirahan sa California, Nevada, at iba pang mga estado.

Marami  ang bansag sa komiks. Hari ng bangketa. Pambansang aklat ng mga Filipino. Kung anu-ano pa na iisa lamang ang ipinahihiwatig kundi tahasang idinedeklara: na ito ang pinakapopular sa lahat ng mga produktong iniimprenta sa sariling wika.

Industriya ng Komiks

Pamilyar ang komiks bilang displey na paninda sa mga bangketa sa mga Pinoy na sa kasalukuyan ay may edad na magmula sa dalawampung taon hanggang sa lampas na sa mga tinatawag na baby boomer. Sa paglalakad ay nadaraanan noon ang mga magasing komiks na kaygaganda ng dibuho sa pabalat. Libu-libo ang lingguhang sirkulasyon ng bawat komiks noong araw.

May sampung taon ang nakararaan ay tumigil sa paggawa ng komiks ang conglomerate ng Atlas Publishing na pag-aari ng angkang Roces na kumokontrol sa halos 90 porsiyento ng mga komiks sa buong bansa. Naglaho ang mga komiks sa bangketa. Ngunit hindi sumuko ang mga manlilikha ng komiks. Nagpatuloy ang paglikha ng mga komiks ng iba’t ibang independiyenteng pabliser. Karamihan ng mga komiks na ito ay matatagpuan sa mga bukstor. Sumulpot ang mga blog na paksa ay komiks. Nagkaroon na rin ng mga coffee table books tungkol sa komiks at mga aklat-pagsusuri sa  impact  ng  komiks sa pambansang kamalayan at kasaysayan.

Napakahaba ang naging pag-iral ng komiks sa pambansang landskeyp ng Pilipinas. Pag-iral na napakalayo pang magwakas. Pinatutunayan ito ng pagpapatuloy ng iba’t ibang aktibidades at pagtitipon na may kaugnayan sa komiks bilang sining, libangan, at industriya.

Komikon 2009

Idinaos ang taunang Komikon noong Oktubre 18, 2009, 10 umaga – 9 gabi, sa Megatrade Hall I ng SM Megamall. Ang Komikon ay nagbibigay ng pagkakataon na makapagtanghal ng mga bagong produktong  komiks, lokal man o imported, na ipinadron sa sikat na Comics Convention sa US. Matatagpuan sa Komikon ang iba’t ibang hapag ng mga ibinebentang komiks, libro, magasin, at iba pang babasahing kaugnay ng komiks. May nakadispley na mga drowing. May mga programa rin katulad ng paggagawad ng taunang “Komikon awards”. Nagsagawa rin ng “auction for a cause” upang matulungan ang mga nasalanta ng mga bagong Ondoy at Pepeng laluna ang mga kabilang sa sektor ng mga tagakomiks.

Isa sa mga regular na dumadalo sa Komikon sa Pilipinas ang pamosong iskolar sa kulturang popular na si  Dr. John A. Lent. Si Dr. Lent ay may Master of Science in Journalism (1960) mula sa Ohio University at PhD. in Mass Communication (1972) sa University of Iowa. Siya ay awtor ng maraming librong tumatalakay sa iba’t ibang sangay at aspeto ng mga sining at kulturang popular na kinabibilangan ng komiks.

Bago ang ebentong ito ay idinaos ang unang Philippine International Cartoon, Comic, and Animation Festival o PICCA Fest noong Oktubre 15 – 18 na inorganisa ng Samahang Kartunista ng Pilipinas Inc (SKPI).

Francisco V. Coching

Sa New York ay may “Francisco V. Coching Exhibit in New York, Oct. 26 – Nov. 26, 2009″ sa Philippine Center na nasa 556 5th Avenue, New York, NY (212) 764-1330. Itatanghal ang mga obra ni Francisco V. Coching na isang dakilang manlilikha ng lokal na komiks.

Si Francisco V. Coching ay isa sa mga haligi ng sining ng komiks sa Pilipinas. Siya ay tanyag na personalidad sa komiks at pangkalahatang sirkulo ng mga alagad ng sining sa mga panahong 1930 – 1970 bilang matinik na manunulat at dibuhista.

Karamihan sa mga naging nobela ni Coching sa komiks ay naisapelikula. Kabilang sa mga popular na katha niya ang Hagibis, Barbaro, El Indio, Satur, Pedro Penduko, Talipandas, Maldita, Bertong Balutan, Haring Ulupong, Palasig, Gat Sibasib, Bella Bandida, El Vibora, Pagano, at Don Cobarde.

Si Coching ay mistulang one-man army sa komiks. Siya na ang kuwentista ay siya rin ang nag-iiskets ng larawan sa lapis, nagsasatinta nito, at naglalagay ng mga teksto.  Bilang artista sa sining-biswal, kakontemporaryo niya ang mga pintor na sina Carlos “Botong” Francisco at Vicente Manansala. Gaya ng dalawa ay marami ring tinanggap na pagkilala si Coching sa kanyang galing.

Iginawad kay Coching ang “Makasining na Komiks Award” mula sa Manila Commission of Arts and Culture, Presidential Merit Award, at Gawad CCP Para sa Sining.

Maraming naimpluwensiyahan ang istilo ni Coching sa hanay ng mga alagad ng sining ng komiks sa Pilipinas at ibang bansa. Ang kanyang mga likha, na nasa pormang komiks, ay kumakatawan sa pinakamataas na uri ng galing at talino ng isang indibidwal na nakapag-ambag sa yaman ng sining at kultura ng sangkatauhan.

Nagretiro siya noong 1973 sa edad na 54 taon matapos makalikha ng mahigit sa 50 nobelang komiks.

Maipagmamalaki ng bawat Filipino at sinumang may dugong Filipino saanman ang katulad ni Coching na pang-internasyunal ang kalibre bilang alagad  ng  sining. Sa mga may pagkakataon, huwag palampasin ang pagtatanghal na ito upang masaksihan ang mga natatanging obra ni Coching.

(Hango sa pitak na “Estado” ng may-akda sa pahayagang Filam MegaScene sa Chicago, USA.)

Si Dr. Seuss, Si Kenkoy, at ang Araw ng Pagbabasa
Si Dr. Seuss, Si Kenkoy, at ang Araw ng Pagbabasa

Sinulat ni Fermin S. Salvador

Magmula noong 1998 ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing Marso 2 ang “Read Across America Day”. Ito ay isang okasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbabasa at pagkatuto sa pamamagitan ng pagbabasa sa buong US. Layunin nito na hikayatin ang mga bata na magbasa at palaganapin ang pagbabasa bilang gawain. Itinapat ang petsa ng ebentong ito sa araw ng pagsilang ni Theodore Seuss Geisell noong Marso 2, 1904. Nais maging sentro ng okasyon ang buhay, mga akda, at krusada ni Dr. Seuss na maakit ang mga bata sa hilig sa pagbabasa.

Punong-abala sa paghahanda sa National Read Across America Day ang National Education Association (NEA) katuwang ang Dr. Seuss Enterprises, mga guro, mga laybraryan, mga magulang, mga kergiber, magpahanggang sa mga pulitiko, atleta, artista, at lahat-lahat nang naniniwala sa kahalagahan ng paghahatid ng ‘excitement’ ng pagbabasa sa mga bata.

Kailangang magtakda ng isang araw na ipinagdiriwang ang gawaing pagbabasa, ito ang naisip ng mga kasapi sa NEA nang likhain at simulan ang okasyong Read Across America Day. Naisip ding itaon ito sa bertdey ng taong nakatulong nang malaki upang maging popular ang pagbabasa sa mga bata.

Dr. Seuss

Bihira ang hindi pamilyar sa sagisag ni Theodore Seuss Geisel na ‘Dr. Seuss’. Siya ay isang manunulat at kartunista na naging popular sa kanyang mga aklat-pambata gaya ng Cat in the Hat, Green Eggs and Ham, How the Grinch Stole Christmas, at marami pa.

Si Theodore Geisel o Dr. Seuss ay nagsimula bilang manunulat at kartunista ng mga kaganapang pampulitika. Minsan siyang nangarap maging Doktor sa Pilosopiya kaya naging isa sa mga sagisag niya ang ‘Dr. Seuss’ sa paglikha ng mga aklat-pambata. Sa sagisag na ito’y naging ‘Seuss-perstar’ siya sa buong mundo sa larangan ng mga kuwento at aklat na pambata.

Bukod sa pagiging kartunista, may panahon din na si Dr. Seuss ay naging tagapagdibuho ng mga komersiyal na patalastas ng mga kumpanyang General Electric, NBC, Standard Oil, at iba pa. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay umanib siya sa US Army at naglingkod sa Animation Department na tagapaglikha ng mga propagandang  panggera.

Nang matapos ang digmaan, nagkonsentreyt si Dr. Seuss sa paglikha ng mga aklat-pambata na gawaing naghatid sa kanya ng pambihirang katanyagan at kayamanan. Ang mga aklat niya ay may kabuuang bentang mahigit sa 222 milyong kopya. Marami rin ang naiprodyus na pelikula at mga programa sa telebisyon at entablado na halaw sa mga akda niya.

Hindi siya nakatanggap ng mga medyor na rekognisyon sa angking husay sa paglikha ng literaturang pambata noong nabubuhay pa siya. Sa Caldecott Prize ay karangalang banggit ang pinakamataas na naigawad sa kanya ngunit ang mga akdang naisali niya rito ay tinatawag ngayon na “Caldecott Honor Books”. Siya ay isinama sa California Hall of Fame ng California Museum for History labimpitong taon matapos siyang pumanaw.

Magbasa Upang Maging Mahusay

Napatunayan na batay sa mga pagsasaliksik na ang mga batang nahihikayat na gumugol nang mas mahabang sandali sa pagbabasa ay nagiging mahusay na mag-aaral. Napakahalaga ng pang-eengganyo sa kabataan na mawili sa pagbabasa upang magtagumpay sa paaralan at magkaroon ng panghabambuhay na hilig sa pagbabasa.

Sa Pilipinas, ang malapit na kahanay ni Dr. Seuss bilang awtor na pamilyar sa milyon-milyong mambabasa, partikular sa mga bata, ay ang mga sikat na nobelista sa komiks. Isinulat ni Tony Velasquez ang buhay, kabalbalan at pakikipagsapalaran ni Francisco Harabas alyas Kenkoy na sinubaybayan ng maraming henerasyon ng mga Filipino. Nabasa magmula noong kabataan ng ating mga lolo sa tuhod hanggang sa panahon ng mga kabataan noong dekada otsenta na naiseserye pa ito sa Pilipino Komiks.

Si Francisco Coching ang sumulat at nagdibuho ng Pedro Penduko na ilang beses naisapelikula. Sina Ramon Zamora at Janno Gibbs ay ilan lang sa mga gumanap sa papel na ito sa puting tabing.

Si Mars Ravelo ay popular sa mga nilikha niyang superbayani (superhero) tulad ng Darna, Captain Barbell, Flash Bomba, at iba pa. Sa hanay ng mga artistang babae, parang may tradisyon na ang pagganap sa papel na Darna ay isang katibayan na ikaw ay sikat na. Sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, at Judy Ann Santos ang ilan sa mga gumanap na bilang si Darna.

Nakilala rin si Carlo Caparas sa mga superbayani partikular ang Panday na naging serye ng pelikula ni Fernando Poe Jr. Si Pablo Gomez ay madalas gumamit ng mga duwende at engkantada sa kanyang mga nobelang sinubaybayan din ng milyong Filipino bata man o matanda.

Pagkatapos ng mga tradisyunal na karakter-pambata na karamihan ay angkat at kanluranin na tulad nina Snow White, Goldilocks, Jack and Jill, Jack and the Beanstalk, etc. na sinundan ng mga produktong multi-national na Mickey Mouse, Daffy Duck, Goofy, at mga halaw sa mga Amerikanong komiks na Superman, Batman, etc. ay mapapansing tanging ang mga kathang-isip mula sa mga lokal na komiks ang nakaagapay upang may matawag na sariling identidad ang mga Filipino sa industriya ng popular na babasahin.

Maaaring sabihing si Darna ay kopya kay Wonder Woman, si Gagamba ay si Spiderman, at marami pang halimbawa ng paggagad. Ang hindi maitatatwa ay ang pagtataglay at paggamit ng mga lokal na akda ng sariling kultura, damdamin, pag-iisip, at higit sa lahat ay wika.

Sa bawat isang batang Pinoy na aktuwal na nakabasa sa aklat ng mga ‘fairy tale’ na gawa ng mga Grimm o ni Hans Christian Andersen o nakatunghay sa mga pahina ng Marvel Comics ay may sampu o higit pang paslit na Pinoy na nakabasa ng pakikipagsapalaran nina Kenkoy, Palos, Zuma, Bondying, Dyesebel, at iba pang likhang-Pinoy sa mga pahina ng lokal na komiks.

Bago pa man nauso ang terminong “literaturang pambata” sa akademiko nitong saysay ay naririyan na ang mga lokal na komiks na sa mahabang panahon ay nakahikayat sa mayorya ng mga bata sa Pilipinas na gawing libangan ang pagbabasa.

Pagpukaw sa Kabataan

May mga guro, prinsipal at edukador na handang pakulayan ang buhok na parang bahaghari, magsuot ng kagila-gilalas na kostiyum o magsilbing palamuti sa isang tabi mapukaw lang ang atensiyon ng mga batang mag-aaral sa maaari nilang matuklasan kung sila ay magbabasa.

“Ibalik natin ang mga aklat na hindi maaaring hindi tapusing basahin ng mga bata,” ito ang minsang naging hamon kay Dr. Seuss ng patnugot na si William Spaulding. Tinanggap ni Dr. Seuss ang hamon at nilikha niya ang mga aklat na babasahin ng milyon-milyong bata sa US at sa buong mundo.

Si Dr. Seuss ay walang dudang isa sa pinakadakilang manunulat ng akdang pambata sa lahat ng panahon. Sa Pilipinas, mailalagay sa katulad na pedestal sina Tony Velasquez, Francisco Coching, Mars Ravelo at iba pang gaya nilang lumikha ng mga imortal na tauhan at kuwento na magbibigay-aliw at makapaghihikayat sa mga batang Pinoy upang magbasa noon, ngayon, at mga darating pang panahon.

(Hango sa pitak na “Estado” ng may-akda sa pahayagang Filam MegaScene sa Chicago, USA.)