Pinoy Komiks Communique
26 Feb
Pinoy Komiks Communique
Sinulat ni
Fermin Salvador
Marami sa mga Pinoy na matagal nang nasa ibang bayan, gaya ng US, ang marahil ay pamilyar sa kultura ng pagbabasa ng komiks sa pinanggalingang bayang Pilipinas.
World class ang kakayahan ng mga Filipino sa paglikha ng komiks. Ang ganda, lalim, at kasiningan ng mga kuwento at dibuhong natunghayan sa mga pahina ng magasing komiks sa mahabang panahon ay maipapantay sa pinakamahuhusay na nagawa ng ibang bansa kabilang na ang US, Hapon, at iba pa. Katunayan, maraming dibuhistang Pinoy ang nirekrut ng mga kumpanya ng komiks dito sa US at sa kasalukuyan ay naninirahan sa California, Nevada, at iba pang mga estado.
Marami ang bansag sa komiks. Hari ng bangketa. Pambansang aklat ng mga Filipino. Kung anu-ano pa na iisa lamang ang ipinahihiwatig kundi tahasang idinedeklara: na ito ang pinakapopular sa lahat ng mga produktong iniimprenta sa sariling wika. (more…)



